Pages

Thursday, September 2, 2010

2nd Wave of free Food

Merienda Time!!

Lumpiang Sariwa, Pork BBQ and Palabok + Brownies for dessert.


BTW, got a chance to talk with one of the farmers while they're having a tour inside the plant. I just found out that thier customer originally is Fortune and now PM because of the merge.


No wonder we're having a feast...anyways thanks for coming.


Syempre may lunch ulit, mas marami akong nakain ngayon kasi may dessert pa. Cheers to the farmers, keep coming back lang po hehehe.

Wednesday, September 1, 2010

Sony Ericsson XPERIA X10 mini pro review: Mini Me... ssenger - GSMArena.com




Key features
Ultra compact body
Physical slide-out QWERTY keyboard
Quad-band GSM/GPRS/EDGE support, 3G with HSPA
Customized Android OS v1.6 with Timescape UI
2.55" capacitive touchscreen of QVGA resolution
Qualcomm MSM7227 600 MHz CPU
5 megapixel autofocus camera with LED flash and VGA video recording
Wi-Fi 802.11 b/g
Built-in GPS receiver and digital compass
Accelerometer sensor for auto-rotate and turn-to-mute
Standard miniUSB port for charging and data
Stereo Bluetooth with A2DP
microSD card slot with support for up to 8GB (a 2GB card included)
3.5mm-compatible audio jack
Android market
User-replaceable battery (as opposed to the X10 mini)
Main disadvantages
QVGA resolution doesn’t do Android graphics justice and limits the number of compatible apps
Dated OS version
Limited Android homescreen functionality
No alternative battery covers bundled
No smart dialing
No Bluetooth file transfers from the gallery
No Flash support for the web browser
Basic camera interface and features
Web browser lacks intuitive zooming methods

Free merienda sa office...FTW!

May nagtext...si Ricky. may pagkain daw sa office, kasalukuyang akong nagka-calibrate ng weighbelt ng infeed noon, iniwan ko sandali baka maubusan ako, syempre dami din kapwa buwitre sa office hehehe...




Zitti pasta with pesto sauce plus Boneless Chicken, dunno anong luto to pero masarap...

Meron palang mga bisita galing from North, mga farmers sila ng tabako, syempre pakain sila ng PM natural damay na kami, kapalan lang ng mukha hehehe.

Here comes lunch time, fiesta ang handang food. Dami handa, kumuha na lang ako kung ano gusto ko, di kasi magkakasya sa plate ko eh.





Masarap talaga pag libre hehehe...

Tuesday, August 31, 2010

Monday, August 30, 2010

Urban Chef: PMFTC Batangas Factory New Concessionaire

Ill be posting photos of foods served in our canteen.

Chocolate Cake
P20.00












A bit bland, I like chococakes more on the sweeter side.

Score: 2/5

Sunday, August 29, 2010

Si Sakura Chan




Ang Kwento ng Buhay ni Sakura Chan
Part 2

Kinakailangan kong lumipat ng matitirhan noon dahil sa medyo kumplekadong dahilan. Nakahanap naman ako ng isang apartment sa di kalayuan na malilipatan. Dalawang kwarto sa halagang 3500 di na masama. Kasama kong tumira sa apartment ang isa kong kasamahan sa trabaho at syempre kasama kong lumipat si Sakura, nagkaroon ng sariling kwarto si Sakura sa likod ng bahay na tinatawag na wash area. Dito nakalagay ang kulungan nya pati na rin ang higaan nya.

Isa sa mga problemang kinaharap ko sa pagpapalaki kay Sakura ay ang kanyang mabahong dumi. Sabi nila natuturuan daw ang pusa na dumumi sa tamang lugar, may nakita nga ako sa internet na gumagamit pa mismo ng inodoro sa tuwing dumudumi sabay may flush pa. Naisip kong maglagay ng litter box (wow sosyal ang tawag ) in short taehan hehehe, isang maliit na planggana na nilagyan ko ng buhangin. Natuwa naman ako at talagang ginagamit nya ito, tinatabunan nya pa ang dumi nya siguro dahil sa nababahuan sya sa tae nya kaya ganun. Araw araw ko itong nililinis minsan kapag nakakaligtaan ko eh tambak na ang dumi nya, kadiri dahil ang baho at may mga bulate na eeeeww talaga.

Tuwing wala kami sa bahay ay kinukulong ko si Sakura sa kanyang kwarto para di magkalat sa bahay. Sa tuwing dadating ako ay hinahayaan ko naman syang makapaglaro sa bahay. May paborito syang spot sa bahay na lagi nyang pinupuntahan, eto ang kwarto ng house mate ko, di ko alam kung bakit nya gusto dito marahil nage-enjoy sya sa loob, sa kung ano ang kinae-enjoyan nya iku-kwento ko sa susunod. Madalas kapag nawawala si Sakura alam ko na kung saan sya hahanapin, sa loob ng kwarto ng housemate ko, madalas sa loob ng cabinet minsan naman sa kama nya ko sya matatagpuan. Tinanong ko ang housemate ko, si Gatuta, mahilig ka ba sa pussy este pusa? “Hinde.” Yun ang tugon nya. Nagtataka lang ako kung ano meron sa kwarto nya na hilig puntahan ni Sakura. Na natuklasan ko isang araw na lubos kong ikinagulat, hinde ko akalain maaatim nyang gawin yun sa kabila ng lahat ng maayus na paga-alaga ko sa kanya. Patakbong lumabas ng kwarto si Sakura, galing sa kwarto ni Gatuta. Ngiyaw sya ng ngiyaw, kasunod kong nakita si Gatuta palabas din ng kwarto. Sabi ko, “Bakit? Anong nangyari?”, “Yang pusa mo tingnan mo ginawa…

Abangan...

Saturday, August 28, 2010

My First Blog Entry...

It all started with my phone, while exploring my photos, I saw an option that it can upload photos to various websites. Since Im connected to wifi, I tried uploading one of my photo to blogger.com (a default site on my phone). I received a text confirmation to enable my account in blogger.com. After filling up some details, here I am enjoying uploading my photos thru my phone. Though Im still a noob, I still need to learn a lot of things bout blogging, but for sure Im liking it already.

Si Sakura Chan



Ang Kwento ng Buhay ni Sakura Chan
Part 1

Naalala ko pa nung unang araw na nabili ko ang isang Siamese cat mula sa isang chinese family sa bayan ng Binondo. Sya ang pinaka-murang siamese cat na nakita ko sa ads ng Buy and Sell na pahayagan. Nagpunta muna ako ng Arranque Market para bumili ng kulungan para paglagyan ng bibilhin kong pusa.Pagdating ko sa condo unit ng pagbibilhan ko, nakita ko agad ang mga alaga nilang pusa, ang dami, kaya daw nila binibenta dahil di na nila kayang magdagdag pa ng alagain. Tatlo silang magkakapatid na kuting noon, sya lang ang babae. Sa pagnanais kong magparami ng pusang siamese, kaya babae ang kinuha ko. Naghabilin sa akin ang may-ari kung pano ang pag-aalaga ang gagawin ko para lumaking malusog ang bibilhin kong pusa.

First time kong mag-aalaga ng pusa actually, wala talaga akong hilig dito sa totoo lang dahil alam ko nung bata ako, gulpi sarado lagi sa akin ang mga pusa. Nandun yung isama ko sila sa pag-akyat ng punong santol at iiwan ko yung pusa sa pinaka-tuktok, paminsan naman ay hinahagis ko sila paitaas at pinapanood ko kung gano ito kagaling lumapag, minsan perpect landing minsan naman ay sablay. Ganun ako kasadista sa pusa "dati". Ngayon hindi ko alam kung trip ko lang ba mag-alaga ng pet o deep inside naghahanap ako ng magugulpi. Pero sa tingin ko mas timbang ang eagerness ko na makapag-alaga at mapatunayan kong kaya kong bumuhay ng isang nilalang, kahit papano hehehe.

Ang ingay nya sobra, iyak ng batang nawalay sa kanyang magulang, yun ang lagi kong naririnig habang ako ay nagbabyahe patungong Batangas. Nakakahiya man dahil ipinasok ko sya sa loob ng bus dahil ayoko naman ipalagay sya sa compartment ng bus, baka ikamatay pa nya yun, mapurnada pa mga pangarap ko para sa kanya, hanep! Di pa sya nagkasya sa pag atungal nakuha pa nyang dumumi sa kalagitnaan ng byahe, sabi ko na lang "Di naman ako kilala ng mga tao dito sa bus eh" kaya dead ma na lang.

Ah sya nga pala, pinangalanan ko syang Sakura Chan. Dahil sa hilig ko sa anime na Naruto, isunod ko sa babaeng bida ng Naruto ang ngalan nya. Malakas ang babaeng bida tulad ng pusa ko na malakas ngumawa.

Parang naka-energizer tong si Sakura, mula ng umalis kami ng Binondo hanggang sa makarating kami sa bahay ko sa Batangas, walang tigil sya sa pag atungal. sabagay di ko sya masisisi, kasi sino naman ang mangyari to tiyak mas masahol pa sa iyak ang mangyayari. Okay, baka gutom na, binigyan ko ng gatas, ayun tumahimik sandali pero isa sa napansin kong ugali nito si Sakura, maingay din sya kumain, yung bang kelangan nyang maka-ngiyaw kada nguya nya, ewan ko ba, ganun siguro talaga sya. Siguro mga 3 araw kong tiniis ang kaingayan ni Sakura, medyo naka pag-adjust na rin sya sa bago nyang tahanan at sa bago nyang amo. Sinikap ko naman punan lahat ng pangangailangan nya kasi kuting pa nga at maselan pa ang kalusugan. Lumipas ang isang buwan, marunong na syang makipaglaro at makipagkulitan. Matutuwa ka talaga sa kakulitan ng isang kuting, nandun talaga na lahat ng bagay eh kinakalikot nya, curious ba. Lalong lalo na yung mga bagay na nagalaw, mismong buntot nya eh hinahabol nya. Kahit medyo lumaki na si Sakura, di pa rin nawawala ang kaingayan nya, yun yata talaga ang habit nya.

to be continued...

Paperwork