Pages

Saturday, August 28, 2010

Si Sakura Chan



Ang Kwento ng Buhay ni Sakura Chan
Part 1

Naalala ko pa nung unang araw na nabili ko ang isang Siamese cat mula sa isang chinese family sa bayan ng Binondo. Sya ang pinaka-murang siamese cat na nakita ko sa ads ng Buy and Sell na pahayagan. Nagpunta muna ako ng Arranque Market para bumili ng kulungan para paglagyan ng bibilhin kong pusa.Pagdating ko sa condo unit ng pagbibilhan ko, nakita ko agad ang mga alaga nilang pusa, ang dami, kaya daw nila binibenta dahil di na nila kayang magdagdag pa ng alagain. Tatlo silang magkakapatid na kuting noon, sya lang ang babae. Sa pagnanais kong magparami ng pusang siamese, kaya babae ang kinuha ko. Naghabilin sa akin ang may-ari kung pano ang pag-aalaga ang gagawin ko para lumaking malusog ang bibilhin kong pusa.

First time kong mag-aalaga ng pusa actually, wala talaga akong hilig dito sa totoo lang dahil alam ko nung bata ako, gulpi sarado lagi sa akin ang mga pusa. Nandun yung isama ko sila sa pag-akyat ng punong santol at iiwan ko yung pusa sa pinaka-tuktok, paminsan naman ay hinahagis ko sila paitaas at pinapanood ko kung gano ito kagaling lumapag, minsan perpect landing minsan naman ay sablay. Ganun ako kasadista sa pusa "dati". Ngayon hindi ko alam kung trip ko lang ba mag-alaga ng pet o deep inside naghahanap ako ng magugulpi. Pero sa tingin ko mas timbang ang eagerness ko na makapag-alaga at mapatunayan kong kaya kong bumuhay ng isang nilalang, kahit papano hehehe.

Ang ingay nya sobra, iyak ng batang nawalay sa kanyang magulang, yun ang lagi kong naririnig habang ako ay nagbabyahe patungong Batangas. Nakakahiya man dahil ipinasok ko sya sa loob ng bus dahil ayoko naman ipalagay sya sa compartment ng bus, baka ikamatay pa nya yun, mapurnada pa mga pangarap ko para sa kanya, hanep! Di pa sya nagkasya sa pag atungal nakuha pa nyang dumumi sa kalagitnaan ng byahe, sabi ko na lang "Di naman ako kilala ng mga tao dito sa bus eh" kaya dead ma na lang.

Ah sya nga pala, pinangalanan ko syang Sakura Chan. Dahil sa hilig ko sa anime na Naruto, isunod ko sa babaeng bida ng Naruto ang ngalan nya. Malakas ang babaeng bida tulad ng pusa ko na malakas ngumawa.

Parang naka-energizer tong si Sakura, mula ng umalis kami ng Binondo hanggang sa makarating kami sa bahay ko sa Batangas, walang tigil sya sa pag atungal. sabagay di ko sya masisisi, kasi sino naman ang mangyari to tiyak mas masahol pa sa iyak ang mangyayari. Okay, baka gutom na, binigyan ko ng gatas, ayun tumahimik sandali pero isa sa napansin kong ugali nito si Sakura, maingay din sya kumain, yung bang kelangan nyang maka-ngiyaw kada nguya nya, ewan ko ba, ganun siguro talaga sya. Siguro mga 3 araw kong tiniis ang kaingayan ni Sakura, medyo naka pag-adjust na rin sya sa bago nyang tahanan at sa bago nyang amo. Sinikap ko naman punan lahat ng pangangailangan nya kasi kuting pa nga at maselan pa ang kalusugan. Lumipas ang isang buwan, marunong na syang makipaglaro at makipagkulitan. Matutuwa ka talaga sa kakulitan ng isang kuting, nandun talaga na lahat ng bagay eh kinakalikot nya, curious ba. Lalong lalo na yung mga bagay na nagalaw, mismong buntot nya eh hinahabol nya. Kahit medyo lumaki na si Sakura, di pa rin nawawala ang kaingayan nya, yun yata talaga ang habit nya.

to be continued...

No comments:

Post a Comment